Friday, January 27, 2012

Tungkol sa may akda

Okay, pre-requisite yata sa mga blog na idescribe mo ang sarili mo in the most self-absorbed way. Try ko nga:

Napangalumbaba ako at napaisip, aba, mahirap pala talagang maging self-centered,haha!

  • 20% metikulosa: Ewan ko ba kahit sariling kong mga kapatid naiinis sakin pag kasama ako sa mall, o kahit sa mga simpleng bagay lang. Sa damit, titingnan ko kung pantay ang tahi, pantay ang tatak, pantay ang bulsa. Pag may inaayos ako sa bahay, gusto ko pantay lahat. Sa desktop ng computer, hangga't maari malinis sa icons at tanging wall paper lang ang makikita. Maganda kung ang mga bagay bagay ay nakagrupo ayon sa kulay. At hindi ako matatahimik kapag di pantay ang word document na ginagawa ko, kasi isang space lang ang sumobra, di ako titigil hanggat di pantay lahat. Kung may gugupitin, ayoko ng lagpas sa linya, I want it to be perfect straight! 

  • 30% 50% creative daw: Nauuto lang yata ako ng pamilya at katrabaho ko. Pagdating sa sulat, paggupit, tamang color combination, design sa ganito sa ganyan, ultimo powerpoint template ng kapatid ko ay ako ang takbuhan. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero minsan, art must come not out of necessity. Tamad excuse lang, baka lumusot. Thankful naman ako na may mata sa sa mga kulay at disensyo. Gusto kong pumasok sa interior design, ung mag-ayos ng bahay ng iba kasi di ko afford mag-ayos ng sariling kong bahay. Bumili ng furniture, magpinta ng accent wall, mamili ng kurtina na bagay sa house at mga kitchen pots and utensils. Gusto ko din pumasok sa culinary, ung gumawa ng pagkain na mas kaunti ang serving mas maganda kasi there's so much room for garnishing. Gusto ko matuto magbake ng cakes at pastries, magdecorate ng cake at kumain ng cake. Gusto ko ding maging photographer. Bumili ako ng canon s95 kailan lang kasi feeling ko di ko din magagamit ng husto ang dslr sa bigat. Practical reason at feeling ko kasi pang pro lang talaga ang dslr. Dala dala ka ng malaki dslr bag tapos pag kuhanan na ng pics, di ka man lang marunong magset ng shutter speed, aperture at ISO. Kala mo alam ko e. Gusto ko matuto magphotoshop. I love setting exposures and contrast. Pag sentimental mode ako, sepia, pag in high spirits, ung saturation at tint ang pinapakailaman ko. 30% lang ba itong creative, change my mind gawin nating 50%. 

  • 10% kulang sa pasensya, mabilis mapatawa at madali ding umiyak. OO na, alam ko patience is a virtue. Ayoko namang maging virtuous no? hehehe! Mainitin daw ang ulo ko sa mga slow. Weird no? teacher pa naman ako, kailangan ko ayusin un. Cry baby din ako, i remember nung pinapaabot ng kapatid ko ung mangosteen at hinagis ni nana sa kanya, tinamaan ako sa mukha, mega iyak naman ako, petty? tingin ko din. 

  • 5 % cheese lover at ung meiji with almonds na chocolate. Love na love ko un. Samahan mo pa na anything creamy: pasta, ice cream, soup...at marami pang iba! Masarap ing every bite ng chocolate tapos may crunchy whole almond sa loob kasi kakamanufacture pa lang ng chocolate. Fetuccini alfredo ng pizza hut (di ko alam and spelling e) ay ubod sa HOTNESS at CREAMINESS na nakakagutom na tuloy ngaun. 

  • 20% antukin: Dito ako kilala ng mga kaibigan ko. Ako ay isang antukin, morning person daw kasi,haha! Dati I will sleep at about 7pm pero ngaun medyo naiiba ang sleeping time ko. Madali na kasing manood ng pelikula ngaun, salamat sa piratebay! Uy, bawal mamirata, pero kung for personal use, pede na din. Wag ninyo akong iquote. Sleep is the fastest way to outsmart time. Pag nasa abroad na kasi minsan sleep is your only companion. Di ka makaalis kasi wala pang sweldo (speaking of sweldo, meron na kaya kami, 27 na a!). O natatamad kang sumama lumabas, o sadyang boring ka lang, tulog ang magiging kasangga mo. 

Akalain mong lampas one hundred percent na pala itong description ko sa sarili ko. Being self-absorbed is not hard after all!

Thursday, January 26, 2012

gusto ko sumulat

Sa pagkakatanda, hindi ako mahilig sumulat noong bata pa ako. (O di ba, complete irony ng title?) Napilitan ako sumali sa school paper nung Grade 6 kasi basta pinapunta lang kami sa library, di ko alam tryouts na pala yun pra sa magiging staff ng school paper. Hindi ko inexpect na makakapasok ako, hehe! Suwertihan din pala o wala lang choice ang teacher ko, kaya kahit di pasado, hinayaan na lang din.

Magrecount ba ng history? Pero ngayong matanda na ako, at sabi nila may talent daw sa pagsulat, tinuluy tuloy ko na. Nandito na din lang e. Nagsulat din ako noong high school. Laging kasali sa press conference pero isang beses lang nanalo. May talent daw o? Nagsulat din ako noon kolehiyo,limang taon na ang nakakalipas. Naging editor, pero napatalsik din kasi di mahilig umaatend ng meeting.

Balik tayo sa title. Gusto ko ulit magsulat. Bakit? Pag matagal ka na palang di naeexpress ng views mo, may kwenta man o wala, nakakapurol. Kahit sinasabi nila na ung litrato at videos ay nakakapagtago ng alaala, feeling ko iba pa din pag naisulat mo ung iniisip at nararamdaman mo. Iba kasi, parang...may kalayaan. Wala kang inaalaalang audience na baka mabore kung puro 'ako' na lang ang topic. O natatakot kasi baka mamaya ichismis ka na kaagad, namalayan mo lang na alam na nang lahat ung kritisismo mo at inilaglag ka na sa boss nyo. Aminin man natin at hindi, may mga bagay talaga tayong di nasasabi kahit sa pinakamatalik nating kaibigan. Masyadong maraming facets ang buhay ng tao na minsan you get to share a facet or two with a certain circle of friends, at ung iba, syempre sa ibang grupo naman.

Patay ako sa professor ko, panay code switching ang blog na ito. Para lang 'facet' ang salita minsan mas masarap ishare sa Filipino at minsan mas madali at precise sa English.

Okay, kung saan saan na nagbranchout ang unang blog na ito. Basta, ang bottom line gusto ko ulit magsulat. Salamat sa teknolohiya nakakasulat na ko na walang panyo sa kamay. Madumi magsulat pag pasmado, kaya panyo to the rescue.

Napahaba na 'to. Sana kahit sa simpleng blog na ito. Masabi ko ang di masabi at maibulalas ko ang tunay na nararamdaman (taray ng Filipino ko).