Thursday, January 26, 2012

gusto ko sumulat

Sa pagkakatanda, hindi ako mahilig sumulat noong bata pa ako. (O di ba, complete irony ng title?) Napilitan ako sumali sa school paper nung Grade 6 kasi basta pinapunta lang kami sa library, di ko alam tryouts na pala yun pra sa magiging staff ng school paper. Hindi ko inexpect na makakapasok ako, hehe! Suwertihan din pala o wala lang choice ang teacher ko, kaya kahit di pasado, hinayaan na lang din.

Magrecount ba ng history? Pero ngayong matanda na ako, at sabi nila may talent daw sa pagsulat, tinuluy tuloy ko na. Nandito na din lang e. Nagsulat din ako noong high school. Laging kasali sa press conference pero isang beses lang nanalo. May talent daw o? Nagsulat din ako noon kolehiyo,limang taon na ang nakakalipas. Naging editor, pero napatalsik din kasi di mahilig umaatend ng meeting.

Balik tayo sa title. Gusto ko ulit magsulat. Bakit? Pag matagal ka na palang di naeexpress ng views mo, may kwenta man o wala, nakakapurol. Kahit sinasabi nila na ung litrato at videos ay nakakapagtago ng alaala, feeling ko iba pa din pag naisulat mo ung iniisip at nararamdaman mo. Iba kasi, parang...may kalayaan. Wala kang inaalaalang audience na baka mabore kung puro 'ako' na lang ang topic. O natatakot kasi baka mamaya ichismis ka na kaagad, namalayan mo lang na alam na nang lahat ung kritisismo mo at inilaglag ka na sa boss nyo. Aminin man natin at hindi, may mga bagay talaga tayong di nasasabi kahit sa pinakamatalik nating kaibigan. Masyadong maraming facets ang buhay ng tao na minsan you get to share a facet or two with a certain circle of friends, at ung iba, syempre sa ibang grupo naman.

Patay ako sa professor ko, panay code switching ang blog na ito. Para lang 'facet' ang salita minsan mas masarap ishare sa Filipino at minsan mas madali at precise sa English.

Okay, kung saan saan na nagbranchout ang unang blog na ito. Basta, ang bottom line gusto ko ulit magsulat. Salamat sa teknolohiya nakakasulat na ko na walang panyo sa kamay. Madumi magsulat pag pasmado, kaya panyo to the rescue.

Napahaba na 'to. Sana kahit sa simpleng blog na ito. Masabi ko ang di masabi at maibulalas ko ang tunay na nararamdaman (taray ng Filipino ko).

No comments:

Post a Comment